Anong Klaseng Kaklase Ka?

Anong klaseng kaklase ka?

-RJ Barrete

Dahil Malapit na ang Graduation Day, gusto kong ibahagi ang iba’t ibang klase ng estudyante sa loob ng silid-aralan. Sa makatuwid,
ito yung mga taong palagi mong nakakasama sa school na hinding hindi mo maiiwasan! 😀

1.) Bangko ang tingin sayo

Bangko! Ang bangko ay isang lugar kung saan maaaring ideposito at utangin ang salapi. Maaaring ilagay ng sinumang ang salapi sa
bangko para sa seguridad nito o maaaring magpautang ang bangko sa mga tao sa isang kasunduang babayaran ito sa nakatakdang panahon, kadalasang may interes.

Ang siste, may mga kaklaseng ang tingin sayo ay bangko na pagwiwithdraw lang ang kaya mong ibigay na serbisyo! Hahaha.
Naglalabasan ang mga kaklaseng umaabuso sa serbisyo mo tuwing may ambagan na piso para sa xerox, o di kahit ano mang kontribusyon ng klase o minsan pandagdag ng mga pangsariling gastusin.

Eksena tuwing exam:

Prof: Okay, prepare Php1.00 for the xerox.
Kaklase 1: Uy, pengeng piso! Piso lang! >sabay ngiti< at kapag
narinig ng ibang kaklase.
Kaklase 2: Uy, pahingi din ako. Minsan lang naman e. (aba
nangonsensya pa) Bigay ka din naman.

Napag-isip isip ko kung iipunin mo lahat ng binigay mong piso mula first year hanggang sa pag graduate nyo, malamang sa malamang pwede ka na makapag-invest ng shares sa Jollibee. (Ahy, OA naman nun) Master Siomai na lang! 😀

2.) Extension branch ng National Book Store

Naalala mo pa ba nung bago mong pasok sa school? Kinakabahan, kunwari di makatulog sa gabi kasi excited daw pumasok. At higit
sa lahat prepared lahat ng gamit. Bibili ng bagong bag, ballpen, notebooks, at minsan isang pad ng yellow paper!

Pero, hindi nyo ba napapansin? Habang pataas ng pataas ng ang mga year level ninyo, e kakaunti na lang ang masipag magdala ng
paper. Andyan naman si ano, palaging may papel yun. Minsan hindi lang paper, magtatanong ka pa uy, may glue ka ba? e gunting?
Tingin nyo sa kanya may dalang art materials? Hahaha

Eksena sa klase: Part 1 (Quiz)
Prof: Get one-half sheet of yellow paper!

Eksena (Lahat naglilingunan, akala mo anong meron sa likuran, sa harapan, sa kanan at sa kaliwa, yun pala iisang tao, o dalawa, o
tatlo lang ang may dalang paper) Minsan pag hindi pa nabigyan magagalit.

3.) Tingin sayo may ari ka ng Johnson n Johnson’s at manufacturer ng Alcohol

Ang mga eksenang ganito nangyayari sa dalawang uri ng ritwal! (1) Tuwing darating ng school at (2) tuwing uwian na.

Tingin ko madaming uri ng tagahingi ng polbo.  Una, yung ubos na yung polbo. Pangalawa, yung nakalimutang dalhin ang polbo at pangatlo, yung ginawa kang tagadala nya ng polbo. Yung tipong ikaw ang may-ari pero mas madalas pa nya gamitin ito. 😀

Ganun din ang siste ng alcohol. Kapag nakita kang may dala at gumamit nito, mag hihingian ang lahat, hanggang sa wala nang matira. akala mo rasyon at libreng paalcohol sa bayan 😀 Naisip ko kung ginawa mong business ito, siguro matagal ka nang nakapagpundar ng bahay! (….OA)

4.) Kilala ka pag-exam

Ito! ito ang matindi. Tuwing bagong pasukan ng klase palaging may portion ng “Introduce Yourself”. Tipong palakaibigan sa una, pero habang tumatagal, e parang hindi man lang kayo nagkakilala, walang hi-hello kahit sa room. Pero kapag exam at long test, aba biglang kilala si kaklase. Uy ano, pakopya naman, di kasi ako nag-aral. Sige na please! 🙂 Uy ano, tabi tayo ha? >ahihihi<

Minsan nagongonsensya pa at nananakot! Pag hindi ka magpakopya F.O. (Friendship Over) na tayo. Aba, e ni hindi nga kayo naging magkaibigan e! Naku naman. lol

5.) Drawing

Drawing, ito yung kaklase na oo ng oo! Pero di naman ginagawa. Maraming bagay ang pwedeng ihalintulad dito.

Una – yung kaklaseng sasabihin na oo papakopyahin kita, ako bahala sayo, pero pagdating sa exam aba e halos yakapin na yung paperl dahil sa ayaw magpakopya. Aftermath, sabi ng kaklase uy sabi mo papakoyahin mo ako. Sagot: di ka kasi nagtanong e!???? hahaha

Pangalawa – ito yung mga kaklase na sabi nila, ay hindi daw sila nag-aral, pero pagdating ng result. Aba HIGHEST! (pwede kaya yun? Alam ko na siguro sya yung gumawa ng test paper) — Mais 😀 lol

6.) Cafeteria

cafeteria is a type of food service location in which there is little or no waiting staff table service, whether a restaurant or within an institution such as a large office building or school; a school dining location is also referred to as a dining hall or canteen (in UK English). Cafeterias are different from coffeehouses, although that is the Spanish meaning of the English word. (http://en.wikipedia.org/wiki/Cafeteria)

Cafeteria, ito ay ang tawag sa kaklaseng ang tingin nya sa lahat ng kaklase ay may buffet service. Yung tipong kapag nakakita ng pagkain ay halos talo pa si Jesus Christ sa 40 days of fasting 🙂

Eksena: Uy patikim. (Sa isip ko pareho na pala ang tikim at “akin na lang”)

7.) Speaker ng Bayan

Speaker ng Bayan ang tawag sa kaklaseng madaming hinaing sa buhay! Yung tipong palaging may side comments. Yung tipong ang daming opinyon, daming alam, at higit sa lahat spokesperson ng klase. Wala namang masama sa pagiging speaker ng bayan! Minsan nga lang nakakairita. 😀

8.) Texters’ Choice Awardee

Ito ang kaklaseng monopolyo ng lahat ng networks, may Globe, Smart, Sun Cellulat, TM, Talk n’ Text pati ata Red Mobile meron na sya. Sya yung tipong palaging may load, mahilig mag-gm pag may gagawin at news alert sa school. Astig nga e naka auto-subscribe ako 😀

Sya din yung taong hindi mabubuhay pag hindi hawak ang cellphone. Makikita mo siyang palaging hawak ito, may katext, minsan may ka-call, talo pa call center agent. Mayaman sa load e! 😀

9.) Bully/Clown

Sa isang klase, hindi naman maiiwasan ang asaran sa room, may mga bully (pero feeling ko mababait naman sila :D) sadyang makulit at walang magawa sa buhay. LOL!

Madami ding levels ang pagiging bully:

1. Yung tipong mahilig makipag-away.

2. Yung mahilig mang-aasar (pero lambing lang naman siguro)

3. Yung sadyang EPAL lang talaga.. Bully ka ba? Alin ka sa tatlong ‘to?

10.) Love Birds

Sa loob ng klase hindi maiiwasan ang crush, ligawan at kung ano-ano pang pwedeng maganap(?)

Ito yung magsyotang sweet sa room, PDA, at may nangyayaring maximization and exhaustion of properties. Pero okay lang yun baka nga naman conjugal property sila. 🙂

*IILAN LAMNG ITO SA MGA PHENOMENA NA NANGYAYARI SA LOOB NG PAARALAN*

Follow me on Twitter: rjamesbarrete or Facebook: http://www.facebook.com/rjbarretethegreat

Advertisements

One comment

  1. adette · March 28, 2012

    ako ba ito 🙂 hahaha JK

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s